Hindi pa man tuluyang natatapos ang araw sa opisina, alam na ni Leila na may mali.Hindi niya lang alam kung ano.Hanggang sa tumunog ang cellphone niya.“Mama”Sandali siyang natigilan bago sinagot ang tawag.“Ma?”Sa kabilang linya, may katahimikan muna.Yung klase ng katahimikan na hindi komportable.“Leila…”Agad siyang napatayo mula sa upuan.“Ano po ‘yon? Bakit parang—”“Si Oliver.”Parang may humigpit sa dibdib niya.“Bakit po? Ano pong nangyari?”“Nilalagnat siya kaninang hapon,” maingat na sabi ng ina niya. “Akala namin okay na, pero ngayon… bumalik ulit ang init ng katawan niya.”Hindi agad nakapagsalita si Leila.Parang biglang lumiit ang mundo niya.“Ma, bakit ngayon niyo lang po sinabi?”“Hindi naman kasi seryoso kanina. Akala namin pagod lang.”“Nasaan po siya?”“Nasa kwarto. Natutulog ngayon.”Pero hindi siya nakahinga nang maayos sa salitang “natutulog.”Dahil sa isip niya, ang “natutulog” ay maaaring “lumalala.”“Pauwi na po ako.”“Leila, may trabaho ka pa—”“Ma, anak
Magbasa pa