Kung may isang bagay na namana ni Oliver mula sa kanyang ina, iyon ay ang pagiging determinado.Kapag may pumasok na ideya sa isip niya, mahirap na iyong alisin.At simula nang sabihin niyang dapat magkakilala sina Sir at Mommy, tila naging personal mission na niya iyon.Siyempre, hindi iyon alam ni Leila.At lalong hindi iyon alam ni Dylan.Kaya nang magbigay ang guro nila ng simpleng classroom activity tungkol sa "Getting to Know People," ibang direksyon agad ang tinahak ng isip ni Oliver.Habang ang mga kaklase niya ay nagsusulat ng mga sagot tungkol sa sarili nilang paboritong pagkain, kulay, at laruan, may sarili siyang plano.Pagkatapos ng klase, maingat niyang itinupi ang papel at isinilid sa bag.Pag-uwi niya sa bahay, parang may secret mission siyang ginagawa."Mommy!""Ano 'yon?"Kasalukuyang naghihiwa ng gulay si Leila para sa hapunan nang sumulpot ang anak niya sa kusina na may hawak na papel at lapis."May itatanong ako."Napatingin si Leila sa kanya."Bakit parang interv
Read more