SENNA“Sir?” gulat kong tanong habang nakatitig kay Lucien. “Papakasalan po? Grabe naman iyong joke mo, Sir. Nakakatawa po. Ha-ha-ha.”Napatawa ako nang awkward habang panay ang tingin ko sa kanya, umaasang tatawa rin siya at sasabihing nagbibiro lang siya. Pero nanatiling seryoso ang mukha ni Lucien. Wala man lang kahit kaunting ngiti sa labi niya.Unti-unting nawala ang ngiti ko. Tumikhim ako at inayos ang pagkakaupo habang mahigpit na hinahawakan ang seatbelt.Mukhang hindi pala joke.Mula noon, hindi na ako nagsalita. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang sinabi niya. Mas lalo lang akong nahiya nang maalala kong sinabi niyang pakasalan ko siya at ‘yong pagtawa ko nang malakas sa harapan niya.Hindi ko namalayan na huminto na pala ang sasakyan sa tapat ng apartment namin.“Senna, nandito na tayo,” sabi ni Lucien habang bahagyang lumilingon sa akin.“Sir? Ah, oo nga po,” sagot ko sabay awkward na tawa bago ko agad hinawakan ang seatbe
Read more