IWAS ang tingin ni Selene habang iniisip kung anong sasabihin niyang dahilan para lang hindi siya masamahan ni Lucien pauwi."Naiilang ka siguro dahil limang taon din tayong 'di nagkasama," ani Lucien.Tumango si Selene. "G-Gano'n na nga, saka… kasama ko kasi sa bahay si Kyla.""Ihahatid na lang kita, I hope it's okay," ani Lucien.Ngumiti si Selene at pagkatapos ay hinanap ang cellphone. "Na sayo ba ang phone ko?"Dumukot sa bulsa si Lucien at nilabas ang kailangan nito. Bago pa man maibigay ay hinablot na ng asawa."M-May tumawag ba o text?""Wala," tipid na sagot, bahagyang naningkit ang mga mata dahil sa kinikilos nito.Samantalang mabilis na tinext ni Selene ang kaibigan, nagpapasundo siya. Hindi niya gustong malaman ni Lucien kung saan siya nakatira.Makaraan ang ilang minuto ay dumating si Kyla. Nabigla pa nga nang makitang si Lucien ang nagbabantay kaya hinila ang braso nito sabay bulong, "Anong ginagawa niya rito? Don't tell me, okay na kayo?""Mamaya ko na ipapaliwanag. Sinab
Read more