Share

Chapter - Legal Rights

Author: Lirp49
last update publish date: 2026-09-18 21:09:02

IWAS ang tingin ni Selene habang iniisip kung anong sasabihin niyang dahilan para lang hindi siya masamahan ni Lucien pauwi.

"Naiilang ka siguro dahil limang taon din tayong 'di nagkasama," ani Lucien.

Tumango si Selene. "G-Gano'n na nga, saka… kasama ko kasi sa bahay si Kyla."

"Ihahatid na lang kita, I hope it's okay," ani Lucien.

Ngumiti si Selene at pagkatapos ay hinanap ang cellphone. "Na sayo ba ang phone ko?"

Dumukot sa bulsa si Lucien at nilabas ang kailangan nito. Bago pa man maibigay a
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • My Husband, You'll Never Get Us Back   Chapter - Legal Rights

    IWAS ang tingin ni Selene habang iniisip kung anong sasabihin niyang dahilan para lang hindi siya masamahan ni Lucien pauwi."Naiilang ka siguro dahil limang taon din tayong 'di nagkasama," ani Lucien.Tumango si Selene. "G-Gano'n na nga, saka… kasama ko kasi sa bahay si Kyla.""Ihahatid na lang kita, I hope it's okay," ani Lucien.Ngumiti si Selene at pagkatapos ay hinanap ang cellphone. "Na sayo ba ang phone ko?"Dumukot sa bulsa si Lucien at nilabas ang kailangan nito. Bago pa man maibigay ay hinablot na ng asawa."M-May tumawag ba o text?""Wala," tipid na sagot, bahagyang naningkit ang mga mata dahil sa kinikilos nito.Samantalang mabilis na tinext ni Selene ang kaibigan, nagpapasundo siya. Hindi niya gustong malaman ni Lucien kung saan siya nakatira.Makaraan ang ilang minuto ay dumating si Kyla. Nabigla pa nga nang makitang si Lucien ang nagbabantay kaya hinila ang braso nito sabay bulong, "Anong ginagawa niya rito? Don't tell me, okay na kayo?""Mamaya ko na ipapaliwanag. Sina

  • My Husband, You'll Never Get Us Back   Chapter 20 - The Woman He Loves

    HINDI agad masagot ni Selene ang tanong, hindi niya alam kung paano ito tatanggihan ng hindi sasama ang loob."Kung 'di ka pa ready, ayos lang… I can wait," ani Lucien. "Let's take it slow."Nakahinga nang maluwag si Selene sa narinig saka niya nginitian si Lucien. Ngumiti rin ito na mas nakapagpagaan ng kanyang loob.Pagkatapos ay nagmaneho na ito patungo sa restaurant na malapit lang sa ospital para hindi sila gaanong gabihin.Habang kumakain ay nag-o-open ng topic si Lucien—mostly, ay tungkol sa trabaho o kung nakapag-adjust na ba siya sa bagong nilipatan na ospital. Nakikinig at sinasagot naman niya ito. Hanggang sa napansin niyang, iniiwasan nitong mabanggit ang problema nila na para bang wala talagang nangyari.Which is, hinihintay niya talagang banggitin nito dahil hindi naman pwedeng kalimutan na lang nila ang lahat na parang wala lang.Kaya nang patapos na silang kumain ay nagtanong na siya, "Pa'no na si Athena at ang anak niyo?"Tumigil sa pagkain si Lucien, nilapag ang hawa

  • My Husband, You'll Never Get Us Back   Chapter 19 - Giving In

    PINILI na lamang ni Selene ang ngumiti at manahimik sa tanong. Pagkatapos ay kumuha siya ng shares niya sa pagkain at hinayaan ang mga ito na paghati-hatian ang padalang pagkain ni Lucien.Mga bandang hapon ay tumawag ito sa kanya."Hello?""Hello... anong oras ang out mo sa work?"Napaisip si Selene, sabay tingin sa suot na relo. "Bakit?""I want to invite you to dinner, okay lang ba?"Napangiti saglit si Selene. "Mamayang seven pa ang out ko and I don't think it's a good idea. Sa distance pa lang—""Selene," malumanay na tawag ni Lucien. "I can be there in a snap. Kaya kong gawan ng paraan kaya 'di ko kailangan mag-worry kung maipit man ako sa traffic o kaya—""Sinabi ko bang worried ako sa'yo? Ayoko lang maghintay nang matagal, 'yun lang 'yun. 'Wag kang mag-assume," putol ni Selene.Mula naman sa kabilang linya ay napangiti si Lucien. "Really? Why does that sound so defensive?""Ano?!"Nagpigil siya ng tawa dahil sa reaksyon ng asawa. "Don't worry, darating ako sa tamang oras... si

  • My Husband, You'll Never Get Us Back   Chapter 18 - Pretenses

    KUMURAP-KURAP ang mata ng doctor sa tanong ni Lucien. Naguguluhan dahil malinaw na lagpas eight weeks na ang pinagbubuntis ni Athena.Gayon pa man, bago pa makapag salita ay mabilis nang naunahan ng dalaga. "Ang cute-cute ng baby natin, Lucien… excited na 'kong makita siyang unti-unting lumalaki sa tiyan ko."Napatingin si Lucien, kita ang namumuong luha sa mga mata ni Athena habang may ngiti sa labi.Ang doctor naman ay tinikom na lang ang bibig. Sinakyan kung anong sinasabi ni Athena pero may balak pa rin itong kausapin mamaya.Nang matapos sila sa procedure ay bumangon na si Athena, inayos ang suot na damit. Saktong tumunog ang cellphone ni Lucien, may tumatawag mula sa trabaho kaya nagpaalam muna ito saglit na sasagutin ang tawag.Pagkaalis ay lumapit ang doctor. "Misis… pwede ka bang makausap? Tungkol kanina sa sinabi ng asawa mo—"Mula sa nakangiti ay biglang tumalim ang tingin ni Athena. "Shut up, 'wag na 'wag mong sasabihin sa kanya ang totoo." Pagkatapos ay naglabas ng salapi

  • My Husband, You'll Never Get Us Back   Chapter 17 - First Glimpse

    HABANG patungo si Selene sa ward para i-check ang mga pasiyente ay nakatanggap siya ng text message mula sa nurse station. Kasama niya ng mga sandaling iyon ang dalawang nurse at may sinasabi ang dalawa tungkol sa mga pasiyente.Kaya nawaglit ang atensyon niya sa mensahe. Hanggang sa makarating sila sa ward kaya itinago niya ang cellphone sa bulsa at pumasok na sa silid.Nagtagal sila roon ng halos kalahating oras dahil anim na pasiyente ang nagsi-share sa iisang kwarto. Nang matapos ay bumalik din naman agad siya sa sariling opisina.Pero madadaanan niya muna ang nurse station, napansin niyang tila may pinagkakaguluhan ang mga naroon kaya sandali siyang natigilan. Nakiusisa hanggang sa mapansin siya ng nurse na naroon."Doc Selene! Halika, may delivery para sa'yo," anito.Hindi agad siya kumilos dahil wala naman siyang natatandaan na nagpadeliver siya o kung ano pa kaya nilapitan siya ng nurse at marahang hinila palapit sa station.Doon nakita niya ang iba't ibang kulay ng roses. Sa

  • My Husband, You'll Never Get Us Back   Chapter 16 - Words Aren't Enough

    LUMINGON si Lucien at pinagmasdan ang asawa hanggang sa tuluyan itong makalapit. "You're here."Matalim na tingin ang pinukol ni Selene pero nang tingnan ang abuela ay biglang naging malambing. "Lola…" tawag niya rito sabay lapit. "Kumusta po kayo?"Tinitigan siya ng matanda, tila ba inaalala ang kanyang mukha. Pagkatapos ay biglang ngumiti. "Ang ganda mo."Napangiti si Selene. "Natatandaan niyo po ba ako?""Anong pangalan mo?""Selene po.""Selene… taga rito ka ba?"Naging mapait ang kanyang ngiti pero sanay na siya roon. Simula nang magkasakit ang abuela, ni minsan ay hindi siya nito naalala. Gayon pa man ay hindi siya magsasawang maghintay."Taga ro'n lang po ako sa labas, 'La. Namiss ko po kayo kaya bumisita ako," ani Selene."Single ka ba?"Bagama't nagtataka sa biglaang tanong ng abuela ay tumango siya.Pagkatapos ay nag-angat ng tingin si Leonor kay Lucien sabay turo. "Ang pogi niya, bagay kayo."Lumingon si Selene, tiningnan nang masama si Lucien nang makitang tuwang-tuwa ito

  • My Husband, You'll Never Get Us Back   Chapter 6 - A Mother's Apology

    ILANG ARAW nang pabalik-balik si Lucien sa ospital para kausapin at kumbinsihin ang asawa na bumalik na sa bahay.Hindi naman ito pinapansin ni Selene, masyado siyang abala para sa ibang bagay at sa nalalapit na paglipat.Mga bandang alas-tres ng hapon ay may naghahanap na naman sa kanya, tapos aba

  • My Husband, You'll Never Get Us Back   Chapter 5 - The Truth She Overheard

    SERYOSO at nanunuot ang tingin ni Lucien sa kanya kaya kahit mukha man siyang kalmado ay hindi niya pa rin maiwasang maapektuhan."Umalis ka ng bahay."Naglakad si Selene patungo sa desk habang nakapamulsa, itinatago ang nanginginig na kamay sa bulsa ng lab coat. "There's someone occupying my bed."

  • My Husband, You'll Never Get Us Back   Chapter 4 - You Wanted Me Gone

    HINGANG malalim ang ginawa ni Selene, kailangan niyang maging kalmado dahil kung magpapadaig siya sa galit ay baka kung ano pang magawa niyang hindi dapat.Kahit nakalabas na ang dalawa ay paulit-ulit na nag-e-echo sa pandinig niya ang sinabi ni Lara. Alam naman na niya iyon, matagal na pero masaki

  • My Husband, You'll Never Get Us Back   Chapter 3 - The Woman in My Bed

    PASADO alas-diyes ng gabi, pero nasa office pa rin si Selene. Maya't maya ang tunog ng cellphone pero hindi niya pinapansin kapag si Lucien lang naman.Alam na niya kung anong kailangan nito kaya binabalewala lang niya. Ilang sandali pa ay nagpasiya na siyang magpahinga sa gabing iyon.Papunta na s

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status