QuinnSa kabilang banda, tila lalong natuwa si Oliver sa ginawa ng asawa ko. Inayos niya ang kaniyang jacket at bahagyang itinagilid ang ulo, saka muling tumingin sa akin bago ibinalik ang pansin kay Gavri.“Mr. Sterling,” panimula niya, may halong pang-aasar ang tono. “Kahit na anong hila mo sa kaniya ngayon, when the time comes na kailangan niyang mamili sa ating dalawa, Laree will surely choose me.”For a moment, the entire world seemed to go quiet.Hindi dahil sa sinabi ni Oliver, kundi dahil sa ekspresyong unti-unting nabuo sa mukha ni Gavri.Mula sa malamig na tingin, tila lalo pang dumilim ang mga mata ng asawa ko. Bahagyang umangat ang kaniyang baba, at ang mga daliri niyang nakahawak sa braso ko ay bahagyang humigpit bago niya marahang niluwagan ang pagkakahawak, na para bang pinipigilan niya ang sarili niyang mag-react nang padalos-dalos.Napatitig ako kay Oliver.You really chose violence today, didn't you?Napailing na lamang ako. Sadyang alam na alam ng lalaking ito kung
Last Updated : 2026-10-07 Read more