Third Person“Anong ibig mong sabihin?”Takang-taka ang tanong ni Gavri, bahagyang kumunot ang noo habang nakatitig nang diretso sa asawa. Hindi niya maalis ang tingin kay Quinn, na para bang sa pamamagitan lamang ng pagbabasa sa ekspresyon nito ay mauunawaan na niya kung ano ang binabalak ng babae.Hindi naman sa natatakot siya sa kung ano mang posibleng gawin ni Quinn. Sa totoo lang, kilala niya ang asawa niya. Alam niyang matalino ito, mahusay mag-isip, at higit sa lahat, hindi basta-basta kumikilos nang walang sapat na dahilan.He trusted her.Completely.Pero kahit gaano kalaki ang tiwala niya kay Quinn, hindi niya mapigilan ang sarili na mag-alala nang husto.Dahil ang pinag-uusapan nila ay si Daphne.At higit na komplikado ang sitwasyon dahil sa isang pangalan na hindi maaaring basta-basta balewalain.Frances.Sa kasalukuyan, sobrang protektado ng ginang si Daphne. Para bang sa ilang taong pagkakawalay sa anak na ngayon lamang niya muling nakilala, nais niyang bawiin ang lahat
Last Updated : 2026-09-26 Read more