Third PersonMula sa may foyer ay biglang umalingawngaw ang sunod-sunod na yabag, kasabay ng mahinang usapan ng dalawang taong papalapit sa sala.Napalingon si Frances sa direksiyon ng tunog, at halos kaagad na nagliwanag ang kaniyang mukha nang makilala ang mga bagong dating.“Oh, they're here,” masiglang sabi ng ginang.Ilang sandali pa ay lumitaw sa bungad ng sala sina Tony at Paige.“Hi, Tita! Tito!” masiglang bati ni Paige, na may malawak na ngiti sa mga labi habang mabilis na lumalapit sa kanila.Hindi na nito hinintay pang makalapit nang tuluyan si Frances bago yumuko upang mag-beso sa ginang.Magiliw naman siyang sinalubong ni Frances, na bahagyang hinawakan ang magkabilang braso ng dalaga matapos ang pagbati.“Paige, dear! It's so nice to see you,” masayang sabi ni Frances. “How have you been?”“I'm doing great, Tita!” sagot ng dalaga, sabay ngiting tila ba walang anumang problemang gumugulo sa isip niya. “I've been quite busy lately, but I'm glad I could come tonight.”Pagka
Last Updated : 2026-10-13 Read more