ELISA'S POV I was busy working on my computer when the telephone rang. Inangat ko naman iyon para sagutin ang tumatawag. "President's office, good morning. This is Elisa speaking. How may I help you?" wika ko mula sa kabilang linya. "Elisa." Naitikom ko ang aking bibig nang marinig ko ang boses na iyon ni Rage na tumawag sa aking pangalan. Tumikhim ako. "Yes, sir?" "I want you to revise the schedule you arranged for me this week," wika niya sa akin. Tumingin naman ako sa schedule na ginawa ko. Sa tingin ko naman ay wala namang mali sa aking ginawa "May mali po ba, sir? O may gusto po kayong ipapadagdag?" tanong ko sa kanya. "Move my two o'clock afternoon appointments to eleven in the morning," wika niya sa akin. "Sige po, sir," sagot ko naman. "May ipag-uutos pa po ba kayo?" tanong ko naman. "Yes," sagot niya. "Ano po iyon, sir?" Matagal bago sumagot si Rage. "Bring me a cup of coffee," wika niya sa akin. "Noted, sir." Nang ibaba na niya ang tawag ay tumayo naman na ako
Read more