ELISA'S POV "Elisa." Lumingon ako sa aking likod ng marinig ko ang boses ni Manang Esther na tumawag sa akin. At nakita kong nakatayo siya sa tapat ng hamba ng p***o at nakatingin sa akin. "Bakit po, Manang Esther?" tanong ko sa kanya. "Pagkatapos mo sa ginagawa mo ay isunod mo ang pool dahil tumawag si Sir Rage at gagamitin daw niya ang swimming pool mamaya," wika niya. Tumango naman ako bilang sagot. At pagkatapos niyon ay nakita ko ang pagsulyap ni Manang Esther kay Kim. "Samahan mong maglinis ng swimming pool si Elisa, Kim," wika din ni Manang Esther sa babae. "Kaya po iyan ni Elisa, Manang," protesta ni Kim, bakas sa boses niya ang pagtutol. "Tulungan muna para mabilis siyang matapos," wika ni Manang Esther sa babae. Pagkatapos ay umalis na siya sa aming harapan "Bwesit," bulong ni Kim nang tuluyang makaalis ni Manang Esther sa kusina. Hindi ko naman na pinansin si Kim at nagpatuloy na ako sa paglilinis. Naramdaman ko naman ang paglabas ni Kim ng kusina. At nang mat
Read more