ELISA'S POV Nagising ako kinabukasan na may masuyong humahaplos sa aking pisngi. At nang magmulat ako ng mga mata ay hindi ko napigilan ang pagsilay ng ngiti sa aking labi nang bumungad sa aking ang mukha ng aking mga anak. They looked at me as though I were their most precious possession."Good morning, Mama," bati ni Zane sa akin. "Good morning, Ate Zane," bati ko din. "Good morning, Mama Elisa."Sumulyap din ako kay Zade ng batiin din niya ako. "Good morning, Kuya Zade," bati ko din sa kanila. "Ang aga niyong nagising na dalawa," wika ko sa kanila. "Opo, Mama. Pupunta tayo ng simbahan, hindi po ba?" Tumango naman ako bilang sagot. "Pero bago tayo pumunta ay kailangan ko munang magluto ng breakfast niyong dalawa," wika ko. "Okay po, Mama," sagot nila sa akin. Bumangon naman ako mula sa pagkakahiga ko ng kama. Hinalikan ko sila sa pisngi bago ako umalis mula sa pagkakasampa sa kama. Kinuha ko naman ang wheelchair ni Zade. Binuhat ko siya at pinaupo do'n. Tinulungan ko nga di
続きを読む