ELISA'S POV Inalis ko ang aking tingin sa aking hinihiwa ng makarinig ako ng katok na nanggaling sa labas ng p***o ng bahay namin. Iniwan ko naman ang aking ginagawa para pagbuksan ang p***o. Hindi pa nga ako nakakalapit nang makita ko si Zane na naglalakad na din patungo sa gawi ng p***o para siguro buksan ang p***o, mukhang narinig niya ang kumakatok. Pero bago pa niya iyon mabuksan ay nagsalita na ako dahilan para mapatigil siya. "Zane, ako na," wika ko sa kanya. "Bumalik ka na doon sa upuan mo," dagdag ko pa ng lingunin niya ako. "Opo, Mama," sagot niya sa akin. Pagkatapos niyon ay bumalik na siya mula sa pagkakaupo niya sa sofa. Ako naman ay nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa tapat ng p***o. Humugot muna ako ng malalim na buntong-hininga bago ko binuksan ang p***o. Inaasahan ko na si Rage ang nasa labas, eh, siya lang naman ang madalas na nagpupunta sa bahay nila. Pero sa halip na si Rage ang mapagbuksan niya ay isang lalaking naka-uniforme na naman a
Read more