ELISA'S POV Hinanda ko ang ngiti sa aking labi nang makita ko ang pagmulat mg mga mata ni Zane nang gisingin ko siya kinabukasan pagkatapos kong magluto ng breakfast para sa kanila. "Good morning, Ate Zane," bati ko kay Zane ng magtama ang mga mata namin. Sa halip naman na gumanti siya ng bati sa akin ay itinaas niya ang dalawang kamay sa akin. Nakuha ko naman ang gusto niyang mangyari dahil yumuko ako para mayakap niya ako. Agad namang nanlambitin ang kanyang kamay sa aking leeg. "Good morning din po, Mama," malambing ang boses na bati niya sa akin, naramdaman ko pa nga ang paghalik niya sa aking pisngi. "How's your sleep?" tanong ko sa kanya ng pakawalan niya ako mula sa pagkakayakap. Napansin ko naman na hindi siya nagsalita, kinagat niya ang ibabang labi. Hindi ko naman siya pinilit na magsalita dahil alam kong kapag kaya na niya ay mag-o-open up siya sa akin. Kilala ko ang aking anak. I kissed her cheeks. “It’s okay, love. Always pray, okay, kapag sa tingin mo ay masa
Read more