ELISA'S POV "Bye, Mama. Bye, Kuya Zade!" paalam sa amin ni Zane ng ihatid namin siya ni Zade sa labas ng bahay. Papasok na kasi siya sa school at isasabay siya ni Jonathan sa mga pamangkin niya na papasok din sa school. "Bye, Zane. Mag-ingat ka," wika ko naman. "Opo, Mama," sagot niya sa akin. "Bye, Zane," wika din ni Zade sa kapatid niya. Kumaway pa si Zane sa amin bago siya tuluyang sumakay sa tricycle ni Jonathan. Nanatili naman ako sa aming kinatatayuan habang sinusundan namin ang papalayong tricycle ni Jonathan. At nang hindi na namin sila matanaw ay bumaba ang aking tingin kay Zade. "Pasok na tayo sa loob?" wika ko kay Zade. Nang tumango siya ay hinawakan ko na ang wheelchair niya at pumasok na kaming dalawa sa loob ng bahay. "Dito ka lang saglit, Zade. Ihahanda ko lang ang paliligo mo," wika ko sa kanya. "Opo, Mama," sagot naman niya sa akin. Iniwan ko naman si Zade sa sala at nagtungo ako sa banyo para lagyan ng timba ang tubig. Nagpainit din ako ng tubig p
Baca selengkapnya