ELISA'S POV "Rage..." sambit ko sa pangalan niya habang hindi ko inaalis ang titig kay Rage na nakaluhod sa aking harapan. "Anong...gingawa mo?" tanong ko. Halos hindi ko na nga din narinig ang sarili kong boses dahil sa lakas ng tibok ng aking puso nang sandaling iyon. "Elisa," sambit naman niya sa aking pangalan na puno ng pagmamahal. Hindi lang iyon, puno ng pagmamahal din na tinitigan niya ako. "Alam kong hindi naging maganda ang simula natin na dalawa," umpisa ni Rage. "Aaminin kong gago ako dahil sa nga nagawa ko sa 'yong kasalanan. I was blinded by my foolishness, and it led me to hurt you," dagdag pa na wika niya. "Buong buhay ko, sanay ako na nakukuha ang lahat ng gusto ko, ako ang laging tama. I built my own empire, made my own rules and hindi ako humingi ng kahit na ano kanino man. Akala ko ikaw ang unos na dumating sa buhay ko nang dumating ka. But I was wrong, huli ko nang malaman na hindi ka pala ang unos sa buhay ko, kundi ang sarili ko, ang aking maling judgement a
Read more