RAGE'S POV "Mama, ako na lang po bihis sa sarili ko para hindi po kayo mahirapan." Narinig kong wika ni Zane kay Elisa nang matapos kaming kumain. "Kaya naman ni Mama, Zane. Mag-iingat na lang ako na huwag itapak ang isang kong paa," sagot naman ni Elisa dito. "Pero ayoko po na mahirapan ka po, Mama. Kaya ko naman po," wika ulit ni Zane. Habang naririnig ko ang sinasabi ni Zane sa Mama niya ay ramdam ko ang pagmamahal ng bata para sa Mama niya. Magsasalita pa sana si Elisa nang mapatigil ng magsalita ako. "Ako na Zane ang mag-aasikaso sa 'yo," wika ko. Nag-angat naman siya ng tingin sa akin. At hindi nakaligtas sa aking paningin ang pagkislap ng mga mata niya. "Hindi naman po yata kayo marunong," sagot niya sa akin. "Marunong ako," wika ko sa kanya. Pagkatapos ay inilapag ko ang mga platong hawak ko sa may sink. Mamaya ko na lang iyong huhugasan. Aasikasuhin ko muna si Zane. Lumapit ako sa kanya. Pagkatapos ay inilahad ko ang aking kamay sa harap niya. "Tara?" Napansin
Magbasa pa