ELISA'S POV Naalimpungatan ako ng maramdaman ko na para bang may mainit na kamay na humahaplos sa aking mukha. At nang magmulat ako ng mga mata ay agad na bumilis ang tibok ng aking puso nang may tatlong pares na itim na mga mata ang nakatitig sa akin. Si Rage. Si Zane at si Zade. "Good morning, Mama," halos magkasabay na bati ni Zane at Zade sa akin. Dumukwang nga din sila para bigyan ako ng halik sa pisngi. "Good morning, Ate Zane at Kuya Zade," ganting bati ko pabalik sa kanila. "Good morning, Elisa," bati din sa akin ni Rage sa buong-buong boses. Napatingin naman ako sa kanya at nang magtama ang mga mata namin ay hindi ko napigilan ang pamulahan ng mukha nang maaala ko ang naging pag-uusap namin na dalawa kagabi, nang maalala ko ang pagbibigay ko sa kanya ng pangalawang pagkakataon para ipakita niya sa amin na mahal niya kami. At mas lalong namula ang aking pisngi nang ginaya niya ang ginawa nina Zade at Zane. Dumukwang din siya para bigyan niya ako ng halik, pero hindi
อ่านเพิ่มเติม