Matapos ang halos isang oras na pagkain at walang katapusang tawanan at bangayan nina Fiona at Xavian, sa wakas ay natapos na rin ang kanilang dinner.Halos hindi na makatayo si Fiona sa sobrang dami ng nakain.“Bestie, I swear, hindi na ako kakain hanggang bukas, magda-diet na talaga ako,” saad nito habang hawak ang tiyan.“Sinabi mo rin ‘yan noong birthday mo.”“Pero this time seryoso na ako.”“Talaga ba? Sure ka na diyan?”“Sure na.”“Hanggang breakfast?”Napaisip naman si Fiona.“Okay, hanggang ten in the evening.”Napatawa si Astrid dahil sa sagot ng kaibigan.“Hindi ka talaga nagbabago.”“Ako pa ba? Ikaw nga ang nagbago diyan eh.”“Ako? What do you mean?”“Mas blooming ka ngayon.”“Fiona…”“True! Baka Maldives effect.”“Or baka husband effect,” singit ni Xavian.Biglang napalingon si Fiona dito.“Sir, bakit parang ang invested mo sa love life ko?”“I'm not.”“Then bakit may comment ka?”“Because you're being noisy.”“Ah, so concerned ka lang sa ingay ko?”“Yes.”“Wow. Thank you
Magbasa pa