LOGINMay mga sugat na tinatahi. May mga sugat na ginagamot. At may mga sugat na hindi kailanman tuluyang nawawala. Natutunan iyon ni Xavian sa bawat araw na lumilipas. Dahil kahit tapos na ang lahat...Kahit wala nang mga kaaway. Kahit wala nang mga lihim. May isang bagay na kailangan pa rin niyang harapin. Ang nakaraan. At ang sakit na siya mismo ang dahilan.Isang linggo matapos ang pag-uusap nila ni Astrid sa veranda. Mas naging maingat si Xavian. Hindi dahil gusto niyang magpanggap. Kundi dahil ngayon lang niya tunay na naiintindihan ang ibig sabihin ng respeto. Dati, kapag may gusto siya...Kinukuha niya. Kapag may gusto siyang mangyari...Pinipilit niya. At kapag natatakot siyang mawalan...Lalong humihigpit ang hawak niya. Ngunit si Astrid...Hindi kailanman naging bagay na dapat hawakan nang mahigpit. Siya ay taong dapat mahalin. At matagal bago niya iyon natutunan."Mama!"Masayang sigaw ni Ashton habang tumatakbo palabas ng school. Agad nitong niyakap si Astrid. Kasunod naman ay lumap
Tatlong buwan. Tatlong buwan mula nang matapos ang lahat. Tatlong buwan mula nang mawala ang takot. Tatlong buwan mula nang maibalik nila si Ashton. At tatlong buwan mula nang magsimulang matutunan ni Xavian ang isang bagay na matagal niyang hindi naintindihan.Na hindi sapat ang pagmamahal lamang. Kailangan mo rin itong ipakita. Kailangan mo itong patunayan. Araw-araw. Paulit-ulit. Hanggang sa muling maniwala ang taong nasaktan mo.Isang Sabado ng umaga. Tahimik na bumaba si Astrid sa kusina. Inaasahan niyang walang tao dahil maaga pa. Ngunit agad siyang napahinto. Dahil naroon si Xavian. At mukhang...Nahihirapan. Sobrang nahihirapan dahil nakakunot pa ang noo niya."Ano'ng ginagawa mo?"Halos mapatalon si Xavian nang magsalita si Astrid. Parang nahuling gumagawa ng kalokohan. May suot itong apron. May harina sa pisngi. At mukhang muntik nang sumabog ang kusina."Breakfast." Diretso nitong sagot.Tahimik si Astrid. Tumingin siya sa mesa. Sunog ang toast. Baluktot ang pancake. At mukh
Walang nagsalita matapos maputol ang tawag. Parang huminto ang oras. Parang tumigil ang mundo. At sa gitna ng katahimikang iyon, iisa lamang ang iniisip nina Xavian at Astrid. Si Ashton.Hindi na mahalaga ang mga lihim. Hindi na mahalaga ang nakaraan. Hindi na mahalaga kung sino ang nagsinungaling o kung sino ang nagtaksil. Ang mahalaga ay maiuwi nila ang anak nila nang ligtas. At sa pagkakataong iyon, tila iyon lang ang bagay na may halaga sa buong mundo.Makalipas ang ilang minuto. Muling nagsalita si Ethan. Ngunit ibang Ethan na ito. Hindi na ang lalaking puno ng galit. Hindi na ang lalaking hinahayaang kontrolin ng paghihiganti ang buhay niya. Pagod na siya. Sobrang pagod."May alam akong lugar."Napatingin ang lahat sa kanya. Tahimik siyang tumango."May lumang rest house ang pamilya namin sa baybayin ng San Isidro."Kumunot ang noo ni Helena. At bigla itong nanlaki ang mga mata."Rafael's Cove."Tumango si Ethan."Doon kami madalas dalhin noong bata pa ako."Napahigpit ang kamao
Walang nagsalita matapos matapos ang video. Parang nawala ang hangin sa loob ng silid. Lahat ay nakatitig lamang sa madilim na screen. Lahat ay sinusubukang intindihin ang nangyari. Dahil kung tama si Helena...Kung tama ang nakita nila...May isang taong dapat ay patay na ang buhay pa..At hawak nito si Ashton. Ngunit higit pa roon...May hawak ito ng katotohanang kayang wasakin ang lahat.Tahimik na napaupo si Ethan. Namumutla at hindi makapaniwala."D-Don't do this." Mahina niyang bulong. Parang hindi niya iyon sinasabi sa iba. Kundi sa sarili niya. Dahil kilala niya ang pangalang iyon.Rafael Cervantes. Ang nakatatandang kapatid ng kanyang ama. Ang lalaking minsang itinuring na haligi ng pamilya Cervantes. At ang lalaking idineklarang namatay sa isang aksidente mahigit dalawang dekada na ang nakalipas. Ngunit kung buhay ito...Ibig sabihin may nagsinungaling. At kung nagsinungaling sila tungkol sa pagkamatay ni Rafael…Ano pa ang mga kasinungalingang itinago nila?Makalipas ang isang or
Hindi sumigaw si Astrid. Hindi siya nahimatay. Hindi rin siya umiyak agad. Sa halip, para siyang naging bato.Nakatayo lamang siya sa gitna ng pasilyo habang paulit-ulit na umaalingawngaw sa kanyang isip ang sinabi ng guwardiya.Ashton is gone. Gone. Nawala. Kinuha. Dinukot.Hindi niya alam kung gaano katagal siyang nakatulala.Ilang segundo ba? Ilang minuto? Ngunit nang tuluyang magsink in ang kahulugan ng mga salitang iyon...Parang may humablot sa puso niya."My son..."Nanginginig ang boses niya."My son..."At kasunod niyon ay tuluyang bumigay ang kanyang mga tuhod. Ngunit bago pa siya bumagsak sa sahig, mabilis siyang nasalo ni Xavian."Astrid."Paos ang boses nito. Halata rin ang takot. Halata rin ang pagkawasak. Dahil kahit gaano katatag si Xavian Avanzado...Isa pa rin siyang ama. At ang batang nawawala ay ang anak niya."Mahahanap natin siya."Mahigpit nitong sabi. Hindi iyon pangako para kay Astrid. Pangako iyon para sa sarili niya. Dahil kung hindi niya iyon paniniwalaan...M
Hindi nakatulog sina Xavian at Astrid buong gabi. Paulit-ulit na umiikot sa isip nila ang banta na natanggap ni Xavian.Your son will pay the price.Sa tuwing naaalala iyon ni Astrid, parang may malamig na kamay na humihigpit sa kanyang dibdib.Tahimik siyang nakaupo sa gilid ng kama habang pinagmamasdan si Ashton na mahimbing na natutulog sa kabilang silid sa pamamagitan ng baby monitor. Hindi niya namalayang napalakas ang buntong-hininga niya.Agad siyang napalingon nang maramdaman ang presensya ni Xavian sa likuran niya."Nag-aalala ka."Hindi iyon tanong. Katotohanan iyon.Napakagat siya sa labi."Paano kung seryoso sila?"Mahina niyang tanong."Totoo namang seryoso."Diretsong sagot ni Xavian. Hindi siya nagsinungaling. Hindi siya nagbigay ng pekeng pag-asa. At iyon ang isa sa mga bagay na natutunan niyang pahalagahan dito.Palaging totoo. Kahit masakit.Lumapit ang lalaki at umupo sa tabi niya."Pero hindi ko hahayaang may mangyari kay Ashton."Matigas ang boses nito. Punong-pun
Nanigas ang buong katawan ni Astrid. Pakiramdam niya tumigil ang oras habang nakatayo si Xavian sa labas ng condo at nakatitig sa batang nasa harapan nito.Tahimik ang buong hallway. Ngunit sa loob-loob ni Astrid, parang napakalakas ng tibok ng puso niya.Hindi… Hindi pwede. Hindi pwedeng malaman n
Halos buong araw na lutang si Astrid.Kahit nasa meeting siya kasama ang ibang designers ng kumpanya ay hindi mawala-wala sa isip niya ang mga sinabi ni Xavian.You can hide your secret from everyone else, Astrid. But not from me.Paulit-ulit iyong nag-e-echo sa utak niya.Pakiramdam niya anumang o
Tahimik ang buong executive office. Ngunit para kay Astrid, parang napakalakas ng ingay ng tibok ng puso niya. Hindi siya makagalaw habang nakatitig sa perang nakapatong sa mesa sa harapan niya.Iyong limang libong iniwan niya sa hotel. At ngayon… hawak iyon ni Xavian. Kitang-kita niya ang malamig
Halos magdamag na hindi nakatulog si Astrid.Paulit-ulit niyang binabasa ang mensaheng natanggap niya kagabi mula sa unknown number habang nakatitig sa kisame ng condo unit na pansamantala niyang tinutuluyan.You ran away again.This time, I’ll make sure you can’t escape from me anymore.Kahit hind







