로그인Ilang araw matapos ang kanilang tapat na pag-uusap tungkol sa pag-alis at pagtatago ni Astrid, tila mas gumaan ang lahat. Ngunit alam nilang ang paglalahad ng katotohanan ay hindi katapusan, ito ay simula pa lamang ng tunay na pagtanggap sa kung ano ang naging sila noon, at kung ano ang gusto nilang maging ngayon.Isang hapon, habang nagluluto sila ng hapunan nang sabay sa kusina, biglang nagsalita si Astrid.“Alam mo… minsan pa rin akong napapangiti kapag naaalala ko kung paano ko inilihim ang pagbubuntis ko. Noong una, akala ko pagtatakip lang iyon ng pagkakamali. Pero ngayon… naiintindihan ko na na iyon ang tanging paraan na alam ko noon para protektahan ang sarili ko at ang batang nasa sinapupunan ko.”Tumigil si Xavian sa paghihiwa ng gulay at tumingin sa kanya. “Hindi mo kailangang humingi ng paumanhin sa paggawa niyan. Kung ano man ang ginawa mo noon, galing ‘yan sa takot na dulot ko. At kung kailangan mong ulit-ulitin ‘yan hanggang sa mawala ang bigat sa dibdib mo, handa akong
Matapos ang kanilang pag-aaway at pagkakasundo noong nakaraang araw, tila naging mas maingat sila sa bawat salitang bibitawan. Ngunit sa kabila ng pagiging maayos ng usapan, may bahagi pa rin ng nakaraan na hindi pa lubusang nasasabi, mga detalye na matagal nang itinago ni Astrid, dahil kahit sa pagbabalik niya, takot pa rin siyang husgahan nang lubusan.Isang hapon, habang nagpapahinga sila matapos ihatid at sunduin si Ashton sa paaralan, nagsalita si Xavian nang mahina.“Alam mo… minsan pa rin akong nagtataka. Paano mo nagawang magtago nang limang taon? Paano mo nagawang tiisin ang lahat nang mag-isa noong buntis ka pa lang?”Natigilan si Astrid. Tumingin siya sa malayo, sa hardin kung saan madalas silang maglaro ngayon ng anak nila. Huminga siya nang malalim bago sumagot.“Dahil takot ako, Xavian. Sobrang takot.”Lumingon siya rito, at sa unang pagkakataon ay ibinuhos niya ang lahat ng bigat na matagal nang nasa dibdib niya.“Tandaan mo noong huling gabing nagkaroon tayo ng matindi
Akala nila ay tapos na ang lahat ng pagsubok. Akala nila ay matibay na ang pundasyon at hindi na muling yayanig. Ngunit ang tunay na pagkakakilala sa isa’t isa ay hindi lamang sa panahon ng katahimikan, ito ay sa oras na magkaiba ang inyong pananaw at pareho kayong ayaw magpatalo.Nagsimula ang lahat sa isang simpleng desisyon. Dumating ang alok na pamumuhunan sa ibang bansa, isang proyektong maaaring magpalawak nang husto sa kumpanya, ngunit mangangailangan ng madalas na pagbiyahe ni Xavian sa loob ng anim na buwan.“Tatanggapin ko,” sabi ni Xavian habang tinitingnan ang kontrata sa mesa. “Ito ang pagkakataon para makapagpatatag tayo nang lubusan. Kapag natapos ito, hindi na natin kailangang mag-alala pa sa hinaharap ni Ashton.”Tahimik na nakinig si Astrid. Ngunit hindi siya tumango gaya ng dati. Sa halip, nagsalita siya nang mabagal ngunit matatag.“Anim na buwan, Xavian. Halos kalahating taon. At pupunta ka pa sa ibang bansa, malayo sa atin. Bihira kang makakauwi.”“Alam ko,” sago
Ilang araw na ang lumipas mula noong kausapin ni Xavian si Bea. Sa harap ng ibang empleyado ay maayos pa rin ang kanilang pakikitungo, ngunit napansin ng lahat na mas naging pormal at maikli na ang mga usapan nila. Hindi na naghihintay si Bea pagkatapos ng trabaho, hindi na rin nagpapadala ng mga mensahe sa labas ng oras ng opisina. Ngunit hindi ibig sabihin noon ay tuluyan na siyang tumigil.Isang hapon, habang naghahanda si Xavian para umuwi, dinaluhan ulit siya ni Bea sa kanyang opisina. May hawak itong dalawang tasa ng kape.“Sir Xavian, pahabol lang po sa report na pinapabalik niyo,” sabi nito sabay lapag ng folder sa mesa. “Nag-isip po ako nang mabuti sa sinabi niyo noong nakaraan. At naisip ko lang… baka hindi niyo po nakikita ang totoong kalagayan.”Tumingin si Xavian sa kanya nang seryoso. “Anong ibig mong sabihin?”Umupo si Bea sa tapat niya nang hindi hinihintay ang pahintulot. “Sinasabi ng lahat na parang hindi na kayo ang dating Xavian. Na parang binabawasan ni Ma’am Astr
Lumipas ang ilang linggo nang tuluyang magpasya si Xavian na bumalik sa pamamahala ng kanyang kumpanya. Matagal na itong nakabinbin, at ngayong sigurado na siyang ligtas at maayos na ang kalagayan nina Ashton at Astrid, panahon na upang harapin muli ang kanyang mga responsibilidad.“Sigurado ka bang ayos ka lang dito?” tanong ni Xavian bago umalis ng bahay. Huminto siya sa tapat ng pinto at tinitigan si Astrid habang inaayos nito ang gamit ni Ashton. “Kung gusto mong magtrabaho ka ulit o may gusto kang gawin, sabihin mo lang. Hindi dahil pinagbabawalan kita, kundi dahil gusto kong maging komportable ka.”Lumapit si Astrid at inayos ang necktie niya. “Alam ko ‘yan. At ayos lang ako dito. Masaya akong alagaan si Ashton. At saka, gusto ko ring makita kung paano ka magtrabaho nang maayos ngayon. Walang pilitan, walang takot.”Ngumiti si Xavian at hinalikan ang noo niya. “Babalik ako nang maaga. Pangako.”Ngunit hindi inaasahan ni Xavian na sa pagbabalik niya sa opisina ay may naghihintay
Isang umaga, nagising si Astrid sa kakaibang katahimikan. Walang ingay ng kaldero, walang tawanan ni Ashton, at wala ring paggalaw sa kabilang bahagi ng kama. Agad siyang bumangon, ang dating kaba ay muling gumapang sa dibdib, takot na baka panaginip lang ang lahat ng pagbabago, takot na baka bumalik na naman sa dati ang lahat.Mabilis siyang bumaba sa sala. Doon niya narinig ang boses ng mag-ama niya mula sa kusina.“Dahan-dahan lang, Daddy! Baka matapon!” paalala ni Ashton.“Alam ko, anak. Sinusubukan ko nga eh,” sagot ni Xavian, medyo hinihingal. “Pero bakit parang ang hirap ilagay ng harina sa timbangan?”Napangiti si Astrid at dahan-dahang sumilip. Nakita niya silang dalawa, nakasuot ng parehong apron, may harina sa pisngi, at parehong nakakunot ang noo habang nakatingin sa recipe book.“Magandang umaga sa inyo,” bati niya.Mabilis na lumingon si Xavian. Agad na nagbago ang mukha niya, mula sa pag-aalala ay napalitan ng ngiti.“Gising ka na pala. Akala ko matatagalan ka pa,” sabi
Halos buong araw na lutang si Astrid.Kahit nasa meeting siya kasama ang ibang designers ng kumpanya ay hindi mawala-wala sa isip niya ang mga sinabi ni Xavian.You can hide your secret from everyone else, Astrid. But not from me.Paulit-ulit iyong nag-e-echo sa utak niya.Pakiramdam niya anumang o
Tahimik ang buong executive office. Ngunit para kay Astrid, parang napakalakas ng ingay ng tibok ng puso niya. Hindi siya makagalaw habang nakatitig sa perang nakapatong sa mesa sa harapan niya.Iyong limang libong iniwan niya sa hotel. At ngayon… hawak iyon ni Xavian. Kitang-kita niya ang malamig
Halos magdamag na hindi nakatulog si Astrid.Paulit-ulit niyang binabasa ang mensaheng natanggap niya kagabi mula sa unknown number habang nakatitig sa kisame ng condo unit na pansamantala niyang tinutuluyan.You ran away again.This time, I’ll make sure you can’t escape from me anymore.Kahit hind
Mabigat ang talukap ng mga mata ni Xavian nang dahan-dahan siyang magising.Bahagyang kumunot ang noo niya habang nakatitig sa puting kisame ng Presidential Suite. Hindi niya maalala kung kailan siya huling nakatulog nang ganito kahimbing.Tahimik ang buong paligid.Walang tunog ng ulan. Wala ring







