Sunday, alas-diyes y medya pa lang nang sunduin siya ni Joaquin sa condo unit na inuupahan nilang mag-ina. Wala na ang mga bata dahil isinama ni Alma ang dalawa matapos malaman na ipinatatawag siya ng ama sa mansion nila. Mabuti na lang at nakabalik na rin ang kaibigan mula sa isang linggong out-of-town nito. May mapag-iiwanan sila sa kambal. “Are you all right?” tanong ni Joaquin nang mapansin ang panay na pagkiskis niya sa mga palad kahit abala ito sa pagmamaneho. “Hmmm, it's just that I don't know what the purpose of this meeting is. But I guess it has something to do with Rachel.” Nilingon niya ang binata. “Ikaw, bakit napasama ka?” Hindi kaagad nakasagot si Joaquin dahil naging abala siya sa manibela. Nang magawa niyang iliko sa kaliwang intersection ang sasakyan, saka siya sumagot. “I don't want to alert the enforcement again to find you, Noah. And I don't want to see you again in any bar here in the Philippines, not unless you have someone with you.”
Read more