“Ms. Barrameda, I want to talk to you—alone,” ani Joaquin, saka isinara ang laptop. Tumayo si Joaquin at nilapitan ang console drawer na nasa sulok malapit sa projector screen na nasa likod ng kinauupuan niya. Inilabas niya mula sa binuksang drawer ang kaha ng isang imported cigarette at silver lighter bago tinungo ang glass wall. Tumigil siya ilang hakbang at humarap sa bubog na pader. He couldn't see his reflection because of how bright it is outside. Naglabas siya ng stick sa kaha saka iyon sinindihan. Nakapamulsa ang kaliwang kamay habang nakaipit ang sigarilyo sa gitna at hintuturong daliri, tinanaw niya ang labas habang hinihithit ang sigarilyo. Napatingin naman si Rachel kay Victor, sunod sa manager niyang nag-aalangan ang tinging nakapukol sa kaniya. Nginitian niya ito, saka siya tumango. “Mauna ka na, Mama Ber.” “Pero, hija...” “Ayos lang po ako. Baka may personal lang kaming pag-uusapan ni Joaquin,” pangungumbinsi rito ni Rachel. Sigurado naman si
Read more