Nang sabihin ni Joaquin na mag-uumpisa na si Rinoah sa trabaho kahit hindi pa siya nakakapirma ng kontrata, hindi nga nagbibiro ang binata. Nang oras ding iyon, lumipat sila ng opisina—dinala ni Joaquin ang dalaga sa RME Production building. Hindi mapigilan ni Rinoah na hindi libutin ng tingin ang gusaling pinasok nila—gusaling dating naging tahanan at playground niya, gusaling kinalimutan niya simula nang lisanin ng mama niya ang mundo. Pero alam niyang kahit anong gawin niyang pagkalimot sa lugar na 'yon, mananatili ang alaalang mayroon siya sa lugar na iyon. “Hi, Joaquin.” “Good morning, Joaqui.” “Hey, Jacq! May taping ka?” “Wala, meeting lang.” Kaliwa't kanan ang bumabati kay Joaquin, iba-iba rin ang tawag sa binata—pero ni isa, wala siyang narinig na bumati rito bilang si Mr. Rivero. Nasa kanan siya ni Joaquin, katabi naman nito si Billy sa kaliwa, at si Rocky nasa gawi niya at dinadaldal siya. “Miss Noah, bakit takot si 6 kay 7?” seryosong tanong ni Rocky kay Rin
Baca selengkapnya