“Then give up the script, Marga. Tutal, nasa 'yo naman na ang lahat. You have wealth, you have kids, and you even have Joaquin.” Muling inilapit ni Rachel ang mukha sa gilid ng mukha ni Rinoah. “Habang ako, nakuha ko lang ang mga gusto ko noong nawala ka sa bahay na 'to...” Napatingin si Rachel sa pintuan nang pumihit ang doorknob niyon. Bahagya siyang lumayo kay Rinoah at naiiyak na ang mga matang kinuha niya ang kanang kamay nito. “Pinaghirapan ko kung nasaan man ako ngayon, M-Marga,” pumipiyok na sabi ni Rachel, saka humikbi. “Kaya bakit ko sisirain ang pangalan na pinaghirapan ko para lang sa isang script?” Nangunot ang noo ni Rinoah sa pagbabago ng kilos at sa biglang pag-iyak ni Rachel. At bago pa siya nakahuma, mabilis nitong inangat ang kamay niyang hawak ng kapatid at isinampal sa sarili nito, saka ito bumagsak sa kinatatayuan. “Ah!” hiyaw ni Rachel, gulat ang matang tiningala si Rinoah. At parang gripong tumulo ang mga luha. “M-Marga...” “Oh, Noah, you're he—” Hin
Read more