Paglabas nila ng school grounds, tahimik lang sila sa loob ng sasakyan. Sanay na si Lorraine sa ganitong set-up kasama si Tyron, isang komportableng katahimikan habang binabaybay nila ang kalsada pauwi.Akala niya ay diretso na silang pupunta sa mansion, pero nagtaka siya nang biglang mag-signal si Tyron at ipinarada ang makinis nitong sasakyan sa harap ng isang maliit, pero mukhang mamahaling ice cream shop na may pastel na theme.Napatingin siya kay Tyron, na kalmado lang na pinatay ang makina."Why did we stop?" tanong niya.Tyron unfastened his seat belt, ang simpleng galaw nito ay nagpa-flex nang bahagya sa mga muscles niya sa braso, napalunok na lang tuloy suya nang wala sa oras. Paano ba naman kasi, muscle pa lang ay pwede na pang-ulam. Pero agad siyang umayos ng upo nang lumingon ito sa kaniya."Ice cream."Napakurap si Lorraine. "Ice cream?"Tumango ito, seryoso pa rin ang mukha pero may lambot sa mga mata. "You said you wanted something sweet."Napakunot-noo siya. "Kailan?"
Leer más