Buong araw na yata siyang lutang. Hindi nawala sa isip ni Lorraine ang mga katagang binitiwan ni Tyron kanina.“It's a date.”Pagkatapos ng last class niya, bumalik siya sa faculty room para kunin ang mga gamit niya. Halos ubos na ang lakas niya sa maghapong pagtuturo. Nandoon pa si Regine sa kabilang desk, abala sa pag-aayos ng mga test papers."Uuwi ka na?" tanong nito nang makita siyang nagsusukbit ng bag."Oo. Medyo pagod na rin ako eh."Tumigil si Regine sa ginagawa at binigyan siya ng isang nanunuksong ngiti. "Susunduin ka ba ni Tyron?"Hindi napigilan ni Lorraine ang pagguhit ng ngiti sa mga labi niya. "Hindi ko alam, bakit?"Napaikot ng mga mata si Regine. "Girl, boyfriend mo siya. Tapos hindi mo alam kung susunduin ka?""Busy 'yong tao sa trabaho, Regine.""Excuses," pang-aasar pa nito.Napailing na lang si Lorraine. "Ikaw talaga, dami mong issue."Bago pa makasagot ang kaibigan niya, biglang nag-vibrate ang phone sa bulsa niya. Paghugot niya, bumungad agad ang pangalan nito
Leer más