Bago pa man tuluyang sumikat ang araw, gising na si Lorraine.Nakahiga lang siya habang nakatitig sa kahoy na kisame. Mula sa labas, dinig na niya ang manaka-nakang pagtilaok ng mga manok at ang banayad na kaluskos ng mga dahon na hinihipan ng malamig na hangin.Ilang araw pa lang siyang nandito sa probinsya, pero pakiramdam niya bumalik siya sa pagkabata. Walang stress, walang kailangang habuling oras, walang meeting, at mas lalong walang deadlines.At ang pinakamaganda sa lahat... kasama niya si Tyron.Napangiti siya nang mapagtanto iyon. Dahan-dahan siyang bumangon, naghilamos, at lumabas ng kwarto. Tahimik pa ang buong bahay. Tulog pa yata ang mga magulang niya.Pero napansin niyang nakabukas ang pinto sa likod-bahay. Sumilip siya at doon, nakita niya si Tyron.Nakatayo ito sa maliit na veranda. Nakapamulsa ang isang kamay habang ang isa ay may hawak na mainit na kape. Nakatingin ito sa malawak na paligid. Simpleng-simple lang ang suot nito, isang plain na white shirt at pajama pa
Leer más