Hindi alam nina Lorraine at Tyron… Na may isang pares ng matang tahimik na nakamasid sa kanila. Mula sa kabilang bahagi ng hardin, bahagyang nakatago sa likod ng mga matataas na bougainvillea, nanatiling nakatayo si Emelyn.Mahigpit niyang hawak ang strap ng kaniyang handbag.Hindi niya inaasahang makikita niya ang dalawa roon. Lalo na ang ekspresyong matagal na niyang hindi nasilayan sa mukha ni Tyron.Yong Tyron na relaxed, magaan ang expression ng mukha, at Tyron na masaya.Ilang segundo siyang napatitig sa dalawa. Hanggang sa unti-unti siyang napangiti. Ngunit ang ngiting iyon ay hindi puno ng saya.May halong pait. May halong panghihinayang. May halong inggit.Mahina siyang napabuntong-hininga."So, this is what you look like now." Mahina niyang bulong.Hindi na niya sila nilapitan. Hindi niya gustong sirain ang sandaling iyon. Tahimik siyang tumalikod at naglakad palayo.~Samantala, abala naman si Lorraine sa muling pagtingin sa larawan nila ni Tyron. Hindi niya mapigilang mapa
Leer más