Lunes ng umaga. Para sa karamihan ng mga guro, ang Lunes ay simula na naman ng mahabang linggo ng mga lektura, klase, at pag-check ng mga test paper. Pero para sa kaniya, ang pagpasok niya sa gate ngayong araw ay parang isang grand entrance sa isang fashion show kung saan siya ang bida. Yes, siya ang bida.Kumikinang ang mga mata niya, bahagyang nakataas ang noo, at ang bawat hakbang niya ay may kasamang magaan na indayog. Kung noong nakaraang linggo ay abala pa siya sa kanyang Oplan: Tuwid na nauwi sa kung anu-anong kapalpakan, ngayon ay wala na siyang pakialam sa mga gayong gimik. Dahil pagkatapos ng nangyari sa library noong Biyernes, ang pag-ayos ni Jason sa hibla ng buhok niya, ang matatamis na salita nito, at ang seryosong titig na nagpalambot sa puso niya ay alam niyang iba na ang ihip ng hangin.Pagdating niya sa faculty room, naabutan niya si Lorraine na nakaupo habang umiihip ng mainit na kape. Saktong pagbukas ni Regine ng pinto, napaangat agad ang ulo ng best friend niya a
Leer más