Mabilis na lumipas ang nalabing mga araw nila sa Isla Verde. Tinupad ni Tyron ang pangako nito, naging perpekto at tahimik ang kanilang weekend. Walang media, walang internet, at walang kahit anong anino ni Emelyn. Tanging ang dagat, ang puting buhangin, at silang dalawa lamang.Ngunit pagsapit ng Martes ng umaga, alam ni Lorraine na tapos na ang maliligayang araw. Oras na para harapin ang reyalidad.Nakatayo si Lorraine sa balkonahe ng kanilang villa, pinagmamasdan ang asul na karagatan habang hinihintay ang pagdating ng private chopper ni Tyron. Isang mainit na pares ng braso ang pumulupot sa kaniyang baywang mula sa likuran. Naramdaman niya ang pamilyar na amoy ng mamahaling pabango ni Tyron, kasabay ng malambing nitong halik sa kaniyang balikat."Are you ready to go back, honey?" malalim at kalmadong tanong ni Tyron. Nakabihis na ito ng isang pormal na dark blue suit, muling suot ang kaniyang persona bilang isang seryoso at makapangyarihang bilyonaryo.Huminga nang malalim si Lorr
Read more