Lunes na naman. Sa kalendaryo ng mga guro ng San Isidro High School, ang araw na ito ang pinakamabigat. Ito ang araw ng mga mahahabang flag ceremony sa ilalim ng tirik na araw, ang araw ng mga bagong memo galing sa principal, at ang araw kung saan halos lahat ng tao sa faculty room ay mukhang pinagsakluban ng langit at lupa.Pero para kay Regine, ang Lunes na ito ay parang isang eksena mula sa isang Disney movie. Kulang na lang ay may mga ibong umaawit sa bintana at mga nagliliparang paruparo sa paligid ng kanyang desk.Nakaupo si Regine sa kanyang swivel chair, nakatitig sa kawalan habang nakapangalumbaba. Wala siyang ginagawa kundi ang ngumiti. Paminsan-minsan, pasimple niyang hinahawakan ang kanyang ibabang labi, inaalala ang init ng halik ni Jason sa ilalim ng ulan noong Sabado ng gabi. Ang pabangong gamit nito ay tandang-tanda pa ng kaniyang ilong, ang higpit ng yakap nito, at ang seryosong boses na nagsabing mahal siya nito, lahat ng iyon ay naka-replay sa utak niya na parang pa
Leer más