CHAPTER 138 “Dashi, babe…” Umatras siya nang akmang hahawakan siya nito. “May anak ako. Anak ko si Shaun pero hindi ko alam. Ilang taon ko siyang hindi nakasama, wala akong alam…” “I’m sorry,” gumaralgal na ang boses ni Vioxx. “Baby S. Almeradez,” banggit niya sa pangalan ng sanggol na palagi niyang napapanaginipan. “Iyong…iyong sabi dati ng OB-GYNE na nagkaanak na ako… God!, ang dami-daming pahiwatig sa akin, inignora ko lahat. Nagtiwala ako sa inyong lahat. Paanong—” Hindi matapos-tapos ang kanyang sinasabi sa labis na emosyon. Pakiramdam ni Dashi ay sasabog ang kanyang utak sa dami ng tanong na tumatakbo roon. Isinabunot niya ang mga palad sa magkabilang gilid ng kanyang ulo. Maya-maya ay umiling. “Hindi, baka panaginip lang ‘to. Baka niloloko niyo lang ako. Kung anak ko talaga si Shaun, dapat nakilala ko siya agad nang unang beses kaming nagkita sa bahay mo. Ganon dapat ang ina di ba? Kilala dapat ng ina ang a
Read more