CHAPTER 274 “Tingnan mo nga, nagkabalikan na naman iyong dalawa. Ang bagal-bagal mo kasi, Boss. Hindi na uubra ang paggamit mo ng pagiging mag-asawa natin para bumalik sa ‘yo si Ms. Lychee.” “You don’t know what you’re talking about, Althea,” inis na wika ni Shaun habang pinapausad ang kotse palabas ng parking lot. “Alam ko ang sinasabi ko. Babae kaya ako kaya alam ko na ayaw ng mga babae na pinagseselos.” “How would you know if you never been a real relationship? Kahit nga simpleng pagkakagusto ay ayaw mo,” kontra nito na ikinatememe ni Althea. Oo nga naman. Ano bang alam niya sa mga relasyon-relasyon na ‘yan? At saka iba-iba naman ang mga babae di ba? “Anong plano mo kung ganon? Tuloy pa rin ba ang pagpapaselos mo? Mukha kasing hindi naman effective,” sabi niya na lang. Walang sagot ang asawa niya kaya naisip ni Althea na; ‘silence means yes’. Biglang pumait ang panlasa ni Althea kaya natahimik na s
Leer más