CHAPTER 264 Mas lalong nanggigil si Lychee na hindi naman pinansin pa ni Althea bagkus ay tuloy-tuloy siya sa kotse na nakaabang para ihatid siya pabalik sa Almeradez Empire. Tahimik buong byahe si Althea, iniisip ang nangyari kanina. Iba ang takot sa kanya sa pag-aakalang nagkakagusto na sa kanya ang boss niya. Kilala kasi ni Althea ang sarili, malambot ang puso niya at madaling suklian ang pagkakagusto ng lalaking nagkakagusto sa kanya. Lalo na kung ang lalaking iyon ay malapit sa kanya o halos araw-araw niyang nakakasama. Overthinker man na matatawag pero kapag nagkagusto na sa kanya ang lalaki, ang utak niya ay kung saan-saan na napupunta. Magkakagusto din siya pabalik dito, magiging boyfriend-girlfriend, mabubuntis siya at ikakasal, masisira ang buhay, matutulad siya sa Mama niya. Kaartehan man sa opinyon ng nakararami pero sa katulad niyang nakita kung paano nasira ang buhay ng Mama niya, unang senyales pa lang ng pagkakagusto ng l
Ler mais