CHAPTER 61 “Iho, hindi ko papayagan na tawagin mo ng ganyan ang anak ko!” sita ng tatay niya. Sumara naman ang bibig ni Asher, naiintindihan na kahit sinong ama ay hindi makakapayag na harap-harapang iniinsulto ang anak. “Hindi naman ako nandito para manggulo. Gusto ko lang makita si Shaun,” mahina niyang sabi. Tumalikod sa kanya si Asher. Nag-iigtingan ang panga nito, halatang pigil na pigil ang sarili na bulyawan siya. Maging si Sir Nexus na nakaupo pa rin ay malamig lang ang tingin sa pader. Ayaw siyang tingnan man lang. “Hindi ko naman alam na,” tuloy niya pa at napaluha na. “..I’m sorry. Hindi ko sinasadya. Hindi ko ginusto na mangyari ito kay Shaun—” “Shut the fuck up!” putol ang pisi ng pasensya na bulyaw sa kanya ni Asher. “Hindi mo sinasadya? Hindi mo ginusto? P utangina!, tingnan mo ang kalagayan ni Shaun ngayon at sabihin mo sa akin na hindi mo sinasadya!” Bago pa siya nito mapigilan ay hini
Magbasa pa