CHAPTER 78 Ayaw niya nga! Kaya nga pumunta siya rito sa Paris para iwasan si Vioxx pero bakit naman nagkasalubong pa ang landas nila? “Is there a problem here, Madam? Sirs?” nilapitan na sila ng Staff dahil medyo napapatingin na sa kanila ang ibang dinner. “Everything is okay,” mabilis niyang sabi, kinakabahan na baka magpatawag ng security at palabasin silang lahat. “Sa labas na natin pag-usapan ang bagay na ito. Come here, Autumn,” wika ni Rozen at saka binuhat ang pasaway na batang manika. Hinawakan naman siya ni Devi sa braso para hilahin na palabas dahil nakikipagtitigan siya kay Vioxx sa halip na maglakad. Pagkalabas nila ng restauarant ay parang nakalimutan ang dapat na pag-usapan dahil nagtitili na si Autumn nang makita ang mga shops na may mga pambatang damit. “Papa, boots! There’s Elsa boots! Bili mo me. Bili mo me!” Wala silang nagawa ni Devi kundi sumunod sa mga ito. Si Vioxx naman ay nasa
Read more