ELIRA POV"Salamat, Manang," mahinang sabi ko nang ilapag niya ang tray ng prutas sa lamesa. Nanginginig pa rin nang bahagya ang mga kamay ko kaya pinag-krus ko na lang ang mga braso ko sa dibdib ko."Walang anuman, Ma'am Elira. Kung gusto niyo po, gawan ko kayo ng mainit na tsaang pampakalma," alok ni Manang Melba, halatang napansin niya ang pamumutla ko."Huwag na muna po, okay lang ako," sagot ko habang pinapanood siyang maglakad pabalik sa kusina.Sa kabilang dulo ng sala, naririnig ko pa rin ang tunog ng gulong ng laruang kotse ni Zion sa carpet. Gumagawa siya ng mga tunog na parang preno ng sasakyan, walang kaalam-alam na sa mga sandaling ito, ang tunay na demonyo sa buhay namin ay kasalukuyan nang piniposturan ng mga pulis at NBI sa BGC.Napako ang tingin ko sa screen ng phone ni Azriel na nakalapag pa rin sa mesa. Gusto kong makita kung ano ang susunod na mangyayari, pero kasabay niyon, parang ayoko ring malaman ang mga detalye. Ganito pala 'on. Pagkatapos ng limang taon ng pa
Magbasa pa