ELIRA POVIpinasok ni Azriel ang drawing sa loob ng kaniyang suit jacket, maingat na itiniklop ito para hindi mayupi ang mga bahaging medyo may makapal pang pintura. Pumasok na rin ako sa passenger seat habang si Zion naman ay abala na sa pagkakabit ng kaniyang sariling seatbelt sa tulong ni Ramil bago nito isinara ang pinto ng backseat.Muling nabuhay ang makina ng silver sedan. Umikot si Azriel patungo sa driver’s seat, pumasok, at agad na tiningnan ang rearview mirror para masigurong komportable ang bata sa likod."Gusto mo ba ng ice cream, Zion? O gusto mo nang dumeretso sa bahay para kainin 'yung cookies na iniwan ni Manang Melba?" tanong ni Azriel habang dahan-dahang inaabante ang sasakyan palabas ng VIP parking slot."Cookies na lang po, Tito Azriel! Gusto ko po 'yung may chocolate chips!" masiglang sagot ng anak ko, habang nilalaro ang kaniyang maliit na T-Rex sa ibabaw ng braso ng kaniyang car seat."Sige, cookies it is," sagot ni Azriel, bago niya ibinalik ang kaniyang seryo
Read more