ELIRA POVMiyerkules ng umaga. Masakit pa ang likod ko paggising dahil hatinggabi na ako natapos sa pag-aayos ng localization framework para sa Singapore agency. Pero kakaibang ginhawa ang sumalubong sa akin pagdilat ng mga mata ko. Lumingon ako sa gilid ng kama at nakitang gising na rin si Zion, tahimik na naglalaro ng kaniyang pulang eroplano habang nakahiga."Good morning, aking Captain," bati ko sabay hila sa kaniya para yakapin nang mahigpit."Good morning, Mommy! Sabi ni Manang Melba, may bagong milk daw po sa baba!" masayang sagot niya habang humihikab pa.Napangiti ako habang inaayos ang gulu-gulong buhok ng anak ko. "Sige na, mag-wash ng face tapos baba na tayo, ha?"Habang pababa kami sa hagdan, naramdaman ko ang pamilyar na amoy ng brewed coffee na galing sa kusina. Pero bago pa man ako makarating doon, naalala ko na naman ang mga huling salita ni Azriel kagabi sa beranda.*You are never an inconvenience to me, Elira. Sana pumasok 'yan sa isip mo.*Masyadong malalim ang bos
Read more