ELIRA POVNarinig ko ang mahinang kalabog ng pinto nang tuluyan nang lumabas si Soren. Ang dambuhalang boardroom, na kanina lang ay mukhang malawak, ay biglang sumikip. Ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko, halos mapigtas ang strap ng suot kong sapatos sa tindi ng panginginig ng mga binti ko. Pilit kong ibinaon ang aking mga kuko sa palad ko para lang manatiling tuwid ang tayo ko.Humarap ako sa kaniya, sinusubukang dalhin ang mukha ng isang propesyonal na auditor na walang tinatagong kahit anong atraso. Ngunit si Azriel, nanatili lang sa tapat ng mahabang mesa. Hindi ko mabasa ang ekspresyon niya. Walang galit, walang sigaw, pero ang paraan ng pagtingin niya sa akin—mula sa gupit ng buhok ko hanggang sa hawak kong ballpen—ay sapat na para manghina ako."So, it's really you," pagsisimula niya. Mababa ang boses niya, mas baritono kumpara limang taon na ang nakakaraan, at may kakaibang lamig na hindi ko pa naririnig noon."Good morning, Mr. Monteverde," sagot ko. Proud ako sa saril
Last Updated : 2026-05-31 Read more