ELIRA POVKinabukasan, Sabado ng umaga, parang mas magaan ang gising ko kahit medyo puyat ako kagabi dahil sa hinabol kong content audit. Pagbaba ko sa kusina, sinalubong ako ng amoy ng bagong piritong saging at brewed coffee na inihanda ni Manang Melba."O, gising na pala ang masipag naming career woman," bati ni Manang Melba habang inilalagay ang platito ng saba sa mesa. "Kamusta ang trabaho mo kagabi, hija? Mukhang inabot ka na naman ng madaling araw.""Ayos naman po, Manang. Natapos ko rin 'yung urgent project bago mag-deadline," nakangiting sagot ko habang nagsasalin ng kape sa aking mug. "Si Zion po? Tulog pa ba?""Naku, maagang nagising ang bata. Nandoon sila ni Sir Azriel sa garahe, pinapanood 'yung mga driver na naglilinis ng kotse. Tuwang-tuwa nga dahil pinahawak doon sa hose ng tubig," tawang kwento ng matanda.Napatingin ako sa labas ng bintana ng kusina habang humihigop ng kape. Masaya ako na unt-unting bumabalik ang sigla ni Zion. Pero sa tuwing nakikita ko kung gaano si
Mehr lesen