AYYY FIELD TRIP ERA NA! 😭 Ito yung magpapalapit lalo sa kanilang tatlo. *CHAPTER 6: Field Trip* --- “DADDY! DADDY!” Sebastian just got home from work, pagod na pagod, pero sinalubong siya ni Evan na tumatalon sa sofa. “May field trip kami sa school! Sa Ocean Park! Pwede ka sumama? Please, please, please!” Sebastian smiled. “When?” “Sa Saturday! Sabi ni Teacher, pwedeng sumama yung parents. Daddy, please, ikaw lang yung daddy na hindi sumasama sa field trip. Lagi ka kasing busy.” That hit Sebastian. Kasi totoo. Lagi siyang busy. Lagi siyang wala. At si Evan, lumalaki na hindi siya kasama. He looked at Vanessa, na tahimik lang sa gilid, nag-aayos ng gamit ni Evan. “Vanessa,” sabi ni Evan, biglang lumingon. “Sasama ka din, di ba? Ikaw yung nanny ko eh. Ikaw yung kasama ko lagi. Pag wala ka, sino magbubukas ng baon ko?” Vanessa laughed. “Ako? Eh... kung papayagan ni Daddy mo.” Sebastian looked at both of them. Yung anak niya, nakangiti. Yung peke niyang asawa, nag-aalangan.
最終更新日 : 2026-11-10 続きを読む