Myla’s POVBiro lang naman ang pagnguso ko. Sinusubukan ko lang kung talagang papatulan niya ang pang-aasar ko sa kaniya, pero nang maramdaman kong lumapit din ang mukha niya sa akin, doon na ako tuluyang kinabahan.Napahakbang ako paatras, ngunit hindi niya ako hinayaang tuluyang makalayo. Muli niya akong hinapit palapit sa kaniya at walang pag-aalinlangan na sinakop ang labi ko. Biro lang ang ginawa ko, pero siya ang tumuloy. Ramdam ko ang malambot niyang labi na unti-unting gumagalaw sa akin.Walang pagmamadali sa halik na iyon. Dahan-dahang dumadampi ang labi niya sa akin. Paminsan-minsan ay marahan niyang sinisipsip ang ibaba kong labi at bahagyang kinakagat, ngunit hindi iyon masakit. Sa halip, para akong kinikiliti.Ilang minuto rin niyang inangkin ang labi ko. Hindi rin naman ako nagreklamo at, sa halip, ginantihan ko ang bawat galaw ng labi niya. Kaya nang pareho kaming tumigil, malalalim na hininga ang sabay naming pinakawalan. At kahit
Read more