Myla's POV"Mama, kumain ka na po muna," sabi ko sabay abot ng isang mangkok ng lugaw. Naupo ako sa gilid ng kama niya. Hanggang ngayon, hindi pa rin niya ako kinakausap nang maayos. Sasagot lang siya kapag kinakausap ko. Pero ‘yung magkuwentuhan kami, ‘yung pag-usapan namin ang kung anu-ano, hindi na namin nagagawa. Hindi ko tuloy maiwasang malungkot. Nagising nga si Mama, pero mas nakakasakal pa rin ang ganito. Parang hindi rin siya nagising kasi ganito kami ngayon, malamig at tahimik."Mommy Myla?" Sabay kaming napalingon ni Mama sa pinto nang bumukas iyon. Si Aleron ang bumungad sa akin. Malungkot ang mukha niya habang sumisilip sa maliit na siwang ng pinto.Napatingin muna ako kay Mama saglit bago ibinalik ang tingin kay Aleron. Nag-aalala ako."Aleron, anong ginagawa mo rito?" tanong ko. "Naiinip ka na ba sa labas?" Sinulyapan ko si Mama."Bakit nasa labas siya? Hindi ba siya ang anak ng lalaking iyon? Bakit nandito siya? Nasaan ang ama niya?" sunod-sunod na tanong ni Mama sa
Read more