Hana’s POV“Ihahatid ko na kayo,” sambit ni Larry habang palabas kami ng building, habang si Yael ay nakasunod lang sa amin habang nakapamulsa at nanunuod sa mga nangyayari. Wala siyang ginagawa ngunit pagod na pagod ang katawan ko, hindi dahil marami akong ginawa kundi dahil maghapon niya akong tinitigan at pinapanood ang bawat galaw ko.“Hindi na kailangan, Larry, may na book na akong sasakyan nakakahiya naman kung i-cancel ko pa ‘yon ngayon. Salamat, sa susunod nalang. Mag iingat ka pag-uwi,” sambit ko at lumingon kay Yael. “Salamat sa oras mo, Mr. Miller at sa paglibre sa anak ko, mag iingat ka rin sa pag-uwi.”Yumuko ako sa kaniya at hinawakan na ang kamay ni Yohan, nauna na kaming maglakad papunta sa tabi ng kalsada lalo na at naroon na ang sasakyan na booked ko kanina pa. Mabuti na lang din at inagahan ko, ayaw kong magkaroon pa ng kung anong kaguluhan.Hindi naman ako umaasa na pareho nila akong aayain na ihatid kami, pero mas maganda na ang umiwas sa gulo at makaalis agad par
Read more