Myla’s POVHinawi ko ang mahaba at medyo kulot kong buhok. Ipinaskil ko rin ang pinakamatamis kong ngiti sa labi ko at humakbang palapit kay Mr. Coast. Binuka ko ang bibig ko para kunin ang atensyon niya ngunit nang maunahan niya ako ng tingin ay agad na umurong ang dila ko. Mabilis akong napaiwas ng tingin sa kaniya.“S-Sa tingin ko ay h-hindi ko siya kayang kausapin,” nanginginig ang boses kong sabi.“Just do it. My father will like you,” pilit ni Aleron sa akin, rinig ko na ang pagkainip sa tono ng boses niya.“Young master, sa tingin ko ay bigyan pa natin ng kaunting oras si Ms. Francisco. Normal lang na makaramdam siya ng kaba lalo na sa nasaksihan niya kanina. Isa pa ay hindi naman talaga gano’n kadaling lapitan si Mr. Coast,” singgit ni Kier na gusto kong sang-ayunan.“Kung gano’n, papasok na rin ako sa loob. Sa tingin ko ay kailangan niya ng tulong ko,” wika ni Aleron. “Let’s do the next step,” sambit niya.Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng kotse at hindi nga nagtagal ay nak
Last Updated : 2026-06-14 Read more