ROSELEI RIVAMONTE’S POVWUUUUSSSSH!Ang matinding ugong ng makina ng dambuhalang private jet ng mga Diamante ang tanging maririnig habang tahimik naming binabagtas ang kalangitan patungong Kyoto, Japan.Nakasandal ako sa pinakamalambot na white leather seat na nahigaan ko sa buong buhay ko, habang sa labas ng bintana ay ang nagtataasang ulap.Hanggang ngayon, pakiramdam ko ay lumulutang pa rin ang kaluluwa ko, hindi sa ere, kundi sa kawalan ng reyalidad.Ako? Si Roselei Rivamonte? Ang dating naglalako lang ng maning adobo sa kanto, ngayon ay nakasakay sa eroplanong may sariling kwarto, mini-bar, at living room! Literal na jetsetter na ang lola niyo! At ang rason?Tumakas sa isang nag-aalab na mafia boss na nagngangalang Leonrei Feruzzi, kasama ang peke kong mapapangasawa at ang napakacute kong anak.Pusang kinalbo. Kung panaginip man ito, parang ayaw ko nang gumising.Pagkalipas ng ilang oras na byahe at isang napakahabang convoy ng mga itim na SUV mula sa paliparan, tuluyan kaming nak
Ler mais