Natigilan ako.Nakaupo roon si Snyder.Kung kahapon ay puno siya ng dugo, alikabok, at amoy ng pulbura, ngayon ay nakasuot siya ng isang malinis at hapit na hapit na itim na dress shirt.Ang kaniyang buhok ay bahagyang basa pa mula sa shower, at ang kaniyang asul na mga mata ay kalmado ngunit mapanganib.Tahimik. Pormal.At ang pinakanakakatawa sa lahat? Ang kinatatakutang kanang-kamay ng mga Diamante ay kasalukuyang seryosong hinihiwa ang isang pulang hotdog gamit ang isang gintong tinidor at kutsilyo, na parang isa itong mamahaling Michelin-star steak.Tumaas ang isang makapal na kilay ni Snyder nang makita niyang nakatitig ako sa kaniya.“Good morning, Princess,” malamig at mababang bati niya, bago isinubo ang maliit na hiwa ng hotdog nang may buong pormalidad.Hindi ko napigilang mapairap pero may maliit na ngiti na sumilay sa labi ko. “Kumakain ka pala niyan, Mr. Kidnapper? Akala ko mga kaluluwa lang ang kinakain mo sa almusal.”Hindi nagbago ang ekspresyon niya. “Nutrition is req
Mehr lesen