Pusang kinalbo, bakit ganito? Bakit ang bigat ng epekto sa akin ng simpleng eksenang ito?Wala namang sinasabing mabubulaklak na salita si Snyder, ni hindi nga ako ang kausap niya, pero habang pinagmamasdan ko sila ni Reyleigh... hindi ko maiwasang mapalunok! Parang hinahalo halo ang mga emosyon sa loob ng dibdib ko.Si Snyder… sinabi kong papakasalan ko siya, tactical marriage, para sa kaligtasan ng anak ko.Pero si Leonrei… ang tunay na ama ng anak ko!Higit sa lahat, ang kakaibang pintig ng puso ko. Kay Leonrei, pati narin kay Snyder!Pusang kinalbo! Ano ba itong gulong napasok ko?***Pagkatapos sa craft shop, naglakad-lakad kami sa kahabaan ng village. Puno ito ng mga street food stalls.“Tito Snyder, I want that one! The round things with sauce!” turo ni Reyleigh sa isang takoyaki stand.Bago pa ako makapagsalita, mabilis na nag-abot si Snyder ng ilang libong yen sa tindero. Binili niya hindi lang ang takoyaki, kundi pati na rin ang taiyaki (fish-shaped pastry) at candied strawbe
Ler mais