ROSELEI RIVAMONTE'S POVPusang kinalbo. Bakit ba hindi ko mapigilan ang batang ito?!Hapon na, at imbes na magkulong ako sa kwarto para iwasan ang presensya ng lalaking nanakit sa akin, heto ako ngayon.Nakatayo sa gitna ng napakagandang pribadong hardin ng ryokan, may hawak na isang maliit na lalagyan ng fish food, at pilit na pinapatigas ang sarili kong puso.“Mama, look! The fish is so big! Parang balyena!” masayang sigaw ni Reyleigh habang nakaturo sa pond na puno ng matatabang koi fish.“Koi 'yan, baby. Dahan-dahan lang, baka mahulog ka,” paalala ko, pero pinanatili ko ang distansya ko.Sa tabi niya, nakaluhod si Leonrei. Wala na itong suot na cardigan, tanging ang itim na dress shirt na lang na nakatupi hanggang siko.Rinig na rinig ko ang mahina at buo niyang tawa habang inaalalayan si Reyleigh sa paghawak sa isda.Napakasakit sa mata.Napakasakit, kasi ito mismo yung pangarap ko noon. Pero bakit ang bigat-bigat sa dibdib?“Reyleigh,” narinig kong tawag ni Leonrei sa bata, ngun
Read more